30.7 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Umano’y ‘go-signal’ ni Duterte para ipadala ang notice of termination ng VFA sa U.S. ‘fake news’ —DND Chief

- Advertisement -

Tinawag na fake news ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ulat na nagbigay na ng ‘go signal’ si Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala na sa Estados Unidos ang kasulutan ng pagkalas ng pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ipinag utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng notice of termination ng VFA sa Estados Unidos.

Ayon kay Lorenzana, wala pang opisyal na kautusan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa naturang usapin.

Una rito, magugunitang iginiit ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na dapat munang pag-aralan ng mabuti ang VFA bago kumalas sa naturang kasunduan ang Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -