Sumampa na sa kabuuang 45,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling ulat ng World Health Organization (WHO), nasa 1,015 na ang nasawi dahil sa naturang sakit.
Sa ngayon, nananatili namang nasa 408 ang bilang ng persons under investigation (PUI) sa Pilipinas dahil sa naturang sakit.