Labis ang pasasalamat ni US Senator Bernie Sanders sa kaniyang pagkakapanalo sa ginanap na New Hampshire Democratic Primary Contest.
Ito ay matapos na makuha ni Sanders ang 26% ng kabuuang 280,000 Democratic votes.
Pumangalawa naman si Pete Buttigieg na mayroon lamang 1.6% boto sa kabuuang bilang ng Democratic votes.
Dahil dito, tiniyak ni Sanders sa 24 na delegado na magrerepresenta ng New Hampshire sa July Democratic National Convention kung saan ang partido ay pipili ng nominee base sa panalo ng isang delegado.
