31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Ulat na sobra ang imported na karne itinanggi ng D.A

- Advertisement -

Itinanggi ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang paratang ng isang agricultural group na sobra ang inaangkat na karneng baboy at manok sa bansa.

Ito’y makaraang ihayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura o Sinag noong Lunes na umabot na sa 390 million kilo ng karneng baboy at 300 million kilo ng manok ang nakapasok  noong 2018.

Ayon kay Piñol, nagkaroon lamang ng “marked increase” o pagtaas sa importasyon dahil madali nang makakapagpasok ng karne kung nakakapagbayad na ng taripa ang mga importer.

Iginiit ng kalihim na bukas siyang makipag-usap sa Sinag bilang tugon sa batikos umano ng chairman nitong si Rosendo So na tumatanggi si Piñol na makipag-usap o humarap sa mga hog raiser.

Nakiusap naman si Piñol na huwag gamitin ang naturang issue sa pamumulitika.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -