Sunday, April 28, 2024

Suspek sa likod ng pekeng account ni Panelo timbog

- Advertisement -

Timbog sa ikinasang entrapment operation ng NBI o National Bureau of Investigation sa Cebu ang isang lalaking nagpapanggap umano bilang si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa social media.

Inilatag ang naturang operasyon matapos dumulog sa NBI ang OCPLC o Office of the Chief Presidential Legal Counsel kaugnay sa suspek na si Jose Villafuerte na nagpapatakbo ng isang pekeng account ni Panelo.

Ayon sa NBI, kinokopya at pino-post ng naturang pekeng account ang lahat ng mga anunsiyo mula sa tanggapan ng tunay na OCPLC.

Marami na rin umanong nag-a-add sa pekeng account at humihingi ng payong legal dahil sa pagaakalang tunay itong account ni Panelo.

Humihingi rin ang suspek ng pera mula sa kanyang mga biktima at sinasabing gagamitin sa mga proyekto ni Panelo.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang suspek at napag-alamang may kinahaharap itong kasong qualified theft at estafa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -