Monday, May 6, 2024

Ulat na nais pamunuhan ni Speaker Arroyo ang DOF at DBM itinanggi ni Diokno

- Advertisement -

Itinanggi ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang ulat na nais pamunuan ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang Departments of Finance (DOF) o Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Diokno, pawang ispekulasyon lamang ang posibleng pag-upo ni Ginang Arroyo sa dalawang nabanggit na kagawaran.

Hulyo nang pamunuan ng dating pangulo ang mababang kapulungan ng Kongreso at ngayo’y nasa huling termino na bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Noon namang isang buwan, inihayag ng kongresista na posibleng magkaroon siya ng pwesto sa gabinete ni Pangulong Duterte.

Gayunman, inamin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala pa naman silang natatanggap na impormasyon o pahayag mula mismo sa pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img