DTI tiniyak na walang inaasahang pagtaas sa presyo ng noche buena products

0
43

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala nang inaasahang pagtaas sa presyo ng noche buena products, ngayong nalalapit na ang araw ng kapaskuhan.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, mananatiling “stable” ang presyo ng mga produktong karaniwang inihahanda tuwing noche buena gaya ng pasta, hamon, sandwich spreads at keso de bola.

Dagdag pa ni Castelo, may mga produktong mas mababa pa sa P3 hanggang P5 kumpara sa suggested retail price (SRP) na inilabas ng kagawaran.

Batay sa SRP na inilabas ng DTI, maglalaro ang presyo ng hamon sa halagang P137 hanggang P800, habang nasa P92 naman ang presyo ng spaghetti noodles, at maglalaro rin ang presyo ng keso de bola sa P200 hanggang P500.

Nilinaw rin ni Castelo na wala na ring inaasahang paggalaw sa presyo ng iba pang pangunahing bilihin hanggang matapos ang taong kasalukuyan.