31.3 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Turkey niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

- Advertisement -

Walang Filipino ang nasaktan sa pagtama ng magnitude 6.8 na lindol sa Turkey.

Ito ang tiniyak ng Philippine Embassy sa Ankara, batay na rin sa kanilang nakuhang impormasyon mula sa mga awtoridad at iba’t-ibang ahensiya sa Turkey.

Una na nang nagpaabot ng dasal at pakikiramay si Philippine Ambassador to Ankara Raul Hernandez sa pamilya ng mga nasawi gayundin sa mga nasaktan sa pagyanig.

Dagdag ni Hernandez, nagdulot pa ang lindol ng pagguho ng ilang mga gusali at establisyemento sa probinsiya ng Elazig kung saan natukoy ang epicenter ng pagyanig.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -