Mga pagkain mula China, positibo sa ASF — BOC

0
15

Kumpirmadong kontaminado ng African Swine Fever (ASF) ang mga nasabat na Chinese food items ng Bureau of Customs, Disyembre ng nakalipas na taon.

Ito’y makaraang magpositibo ang mga nasabat na pagkain sa isinagawang pagsusuri ng veterinary quarantine service.

Ayon sa Aduana, Disyembre 11 ng nakalipas na taon nang dumaong sa Manila International Container Port (MICP) ang kargamento laman ang iba’t-ibang pagkain mula China tulad ng chicken balls, dumplings at roast chicken wings.

Dahil dito, mahaharap sa kasong paglabag sa mga probisyon ng customs modernization and tariff act, food and drug cosmetic act at anti-agricultural smuggling act of 2016 ang consignee na M. International Trading.