Turkey-Iran border region niyanig ng magnitude 5.7 na lindol, 8 patay

Turkey-Iran border region niyanig ng magnitude 5.7 na lindol, 8 patay

by Powered by DWIZ
39 views

Walo katao ang nasawi habang ilan pa ang pinaniniwalang naipit sa mga gumuhong gusali sa Southeastern Turkey matapos tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa nabanggit na bansa, malapit naman sa border ng Iran.

Ayon sa Turkish government, kabilang sa nasawi ang tatlong mga bata habang walo naman ang kritikal sa naitala pa lamang na 21 sugatan.

Dagdag ng mga awtoridad, umaabot sa mahigit 1,000 mga gusali ang gumuho.

Batay sa datos ng European Mediterranean Seismological Centre, naitala ang lalim ng lindol sa limang kilometro.

Naramdaman din ang lindol maging sa Iran pero wala pang ulat hinggil sa mga nasawi o nasaktan dahil dito.

0 comment

Related Posts