Gilas Pilipinas wagi vs Indonesia sa Fiba Asia Cup qualifiers

Gilas Pilipinas wagi vs Indonesia sa Fiba Asia Cup qualifiers

by Powered by DWIZ
36 views

Pinadapa ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Indonesia sa iskor na 100-70 sa kanilang naging paghaharap sa first window qualifiers para sa Fiba Asia Cup 2021 sa britama arena sa Jakarta.

Pinangunahan ni Thirdy Ravena ang panalo ng Gilas kung saan nakapagrehistro ito ng 23 points at walong rebounds.

Nakapag-ambag din si Roger Pogoy na nakagawa naman ng 16 points.

Naging madali sa Gilas ang pagkuha ng panalo kung saan sa 3rd quarter lamang dumikit ang iskor ng Indonesia sa Pilipinas na 55-51 bago humataw si Ravena.

Dahil sa panalo, naitala ng national team ang 1-0 record sa group a kung saan kanilang kasama ang Thailand at South Korea.

0 comment

Related Posts