28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Tuna Festival all set na, banta sa seguridad hindi ikinabahala- VM Shirlyn Bañas-Nograles

- Advertisement -

All-set na ang lahat sa pagdiriwang ng Tuna Festival 2018 sa lungsod ng binansagang Tuna Capital of the Philippines ang General Santos City ito ang inihayag ni bise alkalde Shirlyn Nograles sa isinagawang press conference ngayong araw sa isang restawran dito sa lungsod. Kasama sa pagpupulong ang ilang mga sector na ka-partner ng local government sa pag-organisa ng nasabing selebrasyon.

Tinalakay sa pagpupulong ang kahandaan ng local na gobyerno sa anumang banta ng seguridad, konsepto ng Tuna Festival, mga dapat abangan ng mga residente sa lungsod at kung ano ang magiging highlights sa nasabing selebrasyon, samantala kabilang din sa tinalakay ang fish importation sa lungsod na siya ring mainit na pinag-usapan.

Batay naman sa kahandaan ng seguridad inihayag ng opisyal na mayroon ng inilatag na security plan ang Philippine National Police at General Santos City Police Office at nakahanda na rin ideploy ang mahigit isang libong pulis, mga force multipliers at joint task force unit na magbabantay sa lahat ng lugar na pagdaraosan ng iba’t-ibang aktibidad sa selebrasyon ng kapyestahan at wag rin umano ikabahala ang seguridad dahil sinisigurado nila na magiging ligtas ang mga makikidalo sa naturang selebrasyon.

Mas hinigpitan pa ang pagbabantay sa mga entry and exit points ng lungsod ito ay upang masiguro na hindi makakalusot ang mga taong maaring manabotahe kasabay sa selebrasyon, itoy kasunod na rin sa nangyaring pagpapasabog ng eksplosibo sa Sultan Kudarat na ikinasawi ng tatlo at ikinasugat ng 35 biktima. Ipinasiguro rin na naka-stand by ang mga medical responds team sa mga anumang hindi inaasahang sakuna sa panahon ng selebrasyon. Tanging hiling ng opisyal na magkaroon ng kooperasyon ang mamayan ng lungsod na kung may nakitang kahina-hinalang tao o bagay sa paligid ay wag mag-atubiling ipagbigay alam sa ito awtoridad.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -