Sunday, April 28, 2024

DTI tiniyak na mahigpit na nakabantay sa mga manufactured goods

- Advertisement -

Hinimok ng Department of Trade and Industry o DTI ang publiko na isumbong sa kanilang hotline 1384 ang mga mapapansing hindi makatwirang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng manok.

Ito ay para mahuli ang mga nagsasamantala at mga negosyanteng kumikita ng sobra-sobra.

Sa harap ito ng mga napapaulat na pagsipa ng presyo ng manok sa pamilihan sa Marikina na umabot sa 170 pesos kada kilo.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, nasa 90 pesos lamang ang farm gate price ng manok dapat ay nasa 40 hanggang 50 pesos lamang ang patong dito ng mga traders.

Lalabas na dapat ay nasa 130 hanggang 140 pesos ang bagsak sa mga palengke na dapat maibenta naman sa mga mamimili ng 150 pesos.

Hinikayat ni Castelo ang publiko na makipagtulungan sa DTI upang kanilang matukoy ang mga nagsasamantalang traders.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -