Tulong na ibibigay ng pamahalaan sa mga matinding naapektuhan ng ECQ inihahanda na

0
32

Inilalatag na ng pamahalaan ang ayudang ipamamahagi para sa mga mamamayang apektado ang kabuhayan dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, pinaplantsa na lamang nila ang ipamamahaging pagkain, at tulong pinansiyal para sa mga apektado ng ipinatupad na ECQ dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Nograles, matapos maipasa ng kongreso ang bayanihan To Heal As One Act, ang batas na nagbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdagang kapangyarihan upang matuguna ang COVID-19 ay inihahanda na ng pamahalaan ang pagpapadala ng ayuda para sa mga pinaka-apektadong sektor.

Aniya, prayoridad nilang mabigyan ng tulong ang mga nawalan o natigil ang trabaho dahil sa ipinatupad ECQ.

Kaugnay nito, nilinaw rin naman ni Nograles na ang naturang ayuda ay hiwalay pa sa ibibigal ng mga lokal na pamahalaan.

Bukod aniya sa pagbibigay ng tulong sa mga nawalan ng hanapbuhay, layon din ng pamahalaan na makapag latag ng hakbangin para mailagay sa ligtas na lugar ang mga persons under investigation (PUI) upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa isang komunidad.