Trump sumailalim na rin sa (COVID-19) testing

0
19

Sumailalim na rin sa coronavirus disease (COVID-19) test si U.S. President Donald Trump.

Ito ay makaraang magkaroon ito ng interaksyon sa tatlong indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Trump, kanilang inaasahan na lalabas na ang resulta ng test sa loob lamang ng 48 oras.

Samantala, tiniyak naman nito na normal ang kanyang temperatura bago pumasok sa White House briefing room, kung kayat wala aniyang dapat na ikabahala ang estado ng Amerika.

Gayunman, nagsagawa parin ng temperature check ang White House sa lahat ng nakasalamuha ni Trump at ni Vice President Mike Pence.

Sa ngayon, pinahihintulutan na ng federal government na gamitin ang $50-B dolyar bilang emergency relief funds para sa mas mabilis na pagproseso ng COVID-19 testing sa buong Amerika.