Gobert nakatadang mag donate ng $500,000 vs. COVID-19

0
19

Nakatakdang mag donate ng $500,000 o katumbas ng humigit kumulang P25-M ang All-Star center ng Utah Jazz na si Rudy Gobert, bilang tulong sa paglaban ng Utah, Oklahoma City sa coronavirus disease (COVID-19).

Magugunitang si Gobert ang kauna-unahang NBA player na nagpositibo sa COVID-19 dahilan para suspindihin ng NBA ang kasalukuyang season.

Ayon kay Gobert, mapupunta ang naturang halaga sa part-time employees ng home arena ng kanyang koponan, sa mga pamilya sa Oklahoma City na apektado ng naturang virus at maging sa mga health care system ng France.

Samantala, bukod kay Gobert nagpositibo na rin sa COVID-19 ang teammate nitong si Donovan Mitchell, na ngayo’y bumubuti na rin ang kalagayan.