Trump nagpatupad na ng travel ban sa mga bibiyahe mula Mainland Europe

0
30

Nagpatupad ng travel ban si U.S. President Donald Trump sa lahat ng mga magbabiyahe mula sa Mainland Europe sa loob ng 30-araw.

Bahagi ito ng mga hakbangin para maiwasan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Trump na hindi naman sakop ng travel ban ang mga biyahero mula sa United Kingdom.

Bigo aniya ang European Union na tugunan kaagad ang outbreak ng nasabing sakit.

Karamihan sa mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Amerika ay mula sa European travelers.