Nagbigay respeto si US President Donald Trump kay Japan Prime Minister Shinzo Abe matapos nitong magbitiw sa pwesto dahil sa iniindang sakit.
Ayon kay President Trump, napakalaki ng respeto niya kay Prime Minister Abe, at ituturing nya itong mabuting kaibigan.
Aniya, labis n’ya ring ikinalulungkot na kailangan nitong magbitiw sa pwesto dahil nitong sakit.
Matatandaang, kahapon nang ianunsiyo ni Abe ang kaniyang pagbibitiw sa pwesto dahil sa lumalalang lagay ng kanyang kalusugan.
