Ililibing na ngayong araw si dating Manila Mayor Alfredo Lim.
Ito ay matapos na pumanaw ng dating Alkalde sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong Agosto 8.
Kaninang umaga, isinagawa ang funeral convoy para sa yumaong Alkalde kung saan inilibot ang abo nito mula Manila City Hall, Manila Police District (MPD) at National Bureau of Investigation (NBI).
Maalalang si Lim ay nagsilbi bilang dating MPD Chief, at NBI Director.
Idinaan din ang convoy sa Senado dahil nagsilbi rin si Lim bilang Senador noong 2004 hanggang 2007 .
Kaugnay nito, nagbigay pagpupugay at respeto naman si Senate President Vicente Sotto III kay Lim.
Mula Manila City Hall magtutungo ang naturang funeral convoy sa isang simbahan sa tondo para sa misa kung saan tutungo ito sa Manila North Cemetery.