Trump iginiit na ‘di niya kailangang sumailalim sa pagsusuri para sa COVID-19

0
21

Iginiit ni U.S. President Donald Trump na hindi niya kailangan sumailalim sa isang pagsusuri para sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Trump, wala siyang nararamdaman na kahit anong sintomas na sakit kaya’t wala siyang nakikitang pangangailangan para sumailalim sa test.

Dagdag pa ni Trump, nasuri na rin aniya siya ng White House physician at wala namang nakitang mali sa kaniyang kondisyon.

Sa ngayon umano ay mabuti ang kaniyang kalagayan at maayos ang kaniyang kalusugan.