Lebanon nakapagtala na ng nasawi dahil sa COVID-19

0
13

Nakapagtala na rin ang Lebanon ng unang kaso ng pagkamatay ng isang pasyente dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa ulat, naka-quarantine ang pasyente simula noong bumalik ito mula sa Egypt.

Kahapon, March 10, nang pumanaw ang pasyente.

Dahil dito, pinatigil ng Lebanon government ang mga flight para sa mga non-resident mula sa epicenter ng virus.

Sa huling ulat, sumampa na sa 41 ang apektado ng virus.