30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Trump idiniin pa sa impeachment case laban sa kanya

- Advertisement -

Idiniin pa ng isang top U.S. diplomat si U.S President Donald Trump sa pagpapatuloy ng impeachment hearing laban sa U.S. president.

Sa pagharap nya sa House of Representatives, sinabi ni U.S. Ambassador to European Union Gordon Sondland, na sinunod nya ang utos ni Trump na i-pressure ang Ukraine para imbestigahan ang karibal nito sa pulitika na si Joe Biden.

Sinabi ni Sondland na ang utos ni Trump ay ipinadaan nito sa kanyang personal lawyer na si Atty. Rudy Giuliani.

Inatasan anya sya na ipa-announce kay Ukraine Leader Volodymyr Zelensky ang isasagawa nilang imbestigasyon sa corruption issues kung saan sangkot ang Burisma Company.

Matatandaan na board member sa Burisma si Hunter Biden, anak ni dating U.S. Vice President Joe Biden.

Sa Amerika, mahigpit na ipinagbabawal ang paghingi ng tulong sa isang dayuhang bansa upang maka-ungos sa eleksyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -