Thursday, May 2, 2024

EO para sa pagbabawal sa vape hinihintay na lamang — PNP

- Advertisement -

Iniintay na lamang ng Philippine National Police (PNP) na maglabas ng pormal na Executive Order (EO) si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbabawal sa paggamit at pag-import ng e-cigarettes o vape.

Ito ay matapos magbigay ng direktiba ang Pangulo sa mga pulis at sundalo na arestuhin ang mga gumagamit ng e-cigarette o vape sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa PNP na ang sino mang mahuhuli sa akto ay iimbitahan lamang sa presinto, pagpapaliwanagin at irerekord sa police blotter habang wala pang inilalabas na Executive Order si Pangulong Duterte.

Samantala, maaari ring magpataw ng multa kung mayroong ipapatupad na ordinansa ang isang siyudad hinggil sa naturang usapin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img