Tropical Storm Ramon bahagyang bumagal ang pagkilos —PAGASA

0
38

Bahagyang bumagal ang kilos ng Tropical Storm Ramon habang patungong kanluran hilagang-kanluran ng bansa.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyong Ramon sa layong  355 kilometro silangan ng Legazpi City, Albay.

May lakas ito ng hanging aabot sa  65 kph (kilometro kada oras) malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 80 kph.

Asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may panaka-nakang malalakas na pag-ulan sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, at silangang bahagi ng Cagayan at Isabela ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 14.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pabugso-bugsong malalakas na ulan naman ang mararamdaman sa Apayao, Aurora, Quezon, Marinduque, at sa ibang parte ng Cagayan, Isabela, at Bicol Region.

Inaasahan na itataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Pollilio Island, Norhtern Aurora, at Eastern Isabela sa susunod na mga oras.

Kasalukuyan namang nakataas ang TCWS No. 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon Eastern Samar at Northern Samar; TCWS No. 2 sa Catanduanes.

Babala ng Pagasa, delikado ang pagbyahe, partikular sa mga maliliit na sasakyang pandagat, sa mga karagatan ng nabanggit na lugar.