DOJ handang umaksyon kaugnay sa natanggap na death threat ni Ret. CJ Bersamin

0
18

Handa ang Department of Justice (DOJ) na makipag ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa mga natatanggap na pagbabanta sa buhay ni Retired Chief Justice Lucas Bersamin.

Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra, matapos kumpirmahin ng Korte Suprema na nakatatanggap ang dating punong mahistrado ng mga death threats.

Sinabi ni Guevarra na handa ang DOJ na hingin ang tulong ng NBI kung na-naisin ni Bersamin na pa-imbestigan ang mga pagbabanta sa kaniyang buhay.

Samantala, una na namang sinabi ni Supreme Court (SC)spokesman Brian Keith Hosaka na nagbigay na ang SC ng ilang mga security personnel kay Bersamin para matiyak ang kaligtasan nito.