33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Trillanes nagbantang babalikan ang mga nanggigipit sa kanya ngayon

- Advertisement -

Binantaan ni Senador Antonio Trillanes IV ang lahat ng nasa likod ng panggigipit sa kanya ngayon.

Tinitiyak ng senador na hindi niya palalagpasin at kanyang hahabulin ang lahat ng mga opisyal na nagpapagamit aniya sa mga kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte para siya ay harasin at pilit na gumagawa ng mga paraan para siya ay makulong.

Samantala, nagbigay din ng mensahe si Trillanes sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

“Huwag na kayong sumawsaw dito pulitika ito, ginagamit lang kayo ngayon ‘yung magpapagamit, ‘yung mga abogadong magsasalita diyan, ako talaga hahabulin ko ang mga ito.” Pahayg ni Senador Trillanes

Second night at the Senate

Samantala, nakapagpahinga naman si Senador Antonio Trillanes sa ikalawang gabi niyang pananatili sa Senado.

Ayon ito sa isang miyembro ng Magdalo taliwas sa unang gabi ni Trillanes sa Mataas na Kapulungan.

Nanatili naman sa labas ng tanggapan ni Trillanes ang ilang supporter niya at ilang miyembro ng media.

Samantala, wala namang miyembro ng PNP-CIDG sa area at tanging mga tauhan na lamang ng Office of the Senate Sergeant at Arms ang nasa labas ng Senado.—Judith Larino 

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -