28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Trillanes kakasuhan ng PACC kaugnay sa umano’y maling paggamit ng DAP

- Advertisement -

Kakasuhan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si Senador Antonio Trillanes IV.

Dahil sa ito sa iligal na paggamit umano ni Trillanes sa kaniyang Disbursement Acceleration Program (DAP) para pondohan ang hindi maanomalyang lamp post project.

Ayon kay PACC Executive Director Eduardo Bringas, inihahanda na nila ang reklamo laban kay Trillanes at anumang araw ngayong linggo ay isasampa na nila ito sa Ombudsman.

Ito ay bagamat nakasaad sa Executive Order 43 na tanging mga presidential appointee lamang sa executive branch at anuman sa mga ahensya nito na may posisyong assistant regional director o katumbas na ranggo o mas mataas pa na nasa salary grade 26 at mataas ang maaari lamang nilang imbestigahan sa usapin ng korupsyon.

Gayunman, iginiit ni Bringas na hindi mapipigilan ang PACC na imbestigahan at magsagawa ng lifestyle check laban sa mga elected official at mambabatas tulad ni Trillanes.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -