34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Palasyo sinabi walang inconsistency ang pahayag nina Duterte at Galvez hinggil sa ‘Red October’

- Advertisement -

Walang inconsistency sa magkaibang pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at AFP Chief of Staff Carlito Galvez Jr. hinggil sa Red October plot.

Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay dahil mismong sa bibig ni Senador Antonio Trillanes IV nanggaling ang panawagan nitong magbitiw sa pwesto ang pangulo.

Sa pagdinig ng Senado, inihayag ni Galvez na walang kinalaman sina Trillanes at Liberal Party sa planong pagpapatalsok sa pangulo taliwas sa akusasyon ni Duterte.

Sinabi ni Roque na maaaring walang pormal na alyansa o memorandum of agreement ang grupo nina Trillanes, LP at Communist Party of the Philippines (CPP) subalit maaaring magkakasabwat ang mga ito sa plano.

Wala rin aniya sa mga kritiko ang aamin subalit malinaw sa intelligence information na valid ang pahayag ng pangulo na siyang patalsikin sa puwesto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -