Sunday, May 5, 2024

Trillanes hindi manlalaban sakaling arestuhin ng mga otoridad

- Advertisement -

Tiniyak ni Senador Antonio Trillanes IV na hindi siya manlalaban sakaling siya ay arestuhin ng mga otoridad.

Ayon kay Trillanes, ito ay kung masisigurong legal ang gagawing pag-aresto sakaniya at dumaan sa protocol ng Senado.

Paliwanag pa ng senador, ayaw niyang may masaktan o magkagulo pa kapag siya ay ipinag-utos nang dakpin.

Handa na rin umano siya sa kung ano pang posibleng mangyari sa kaniya.

Dagdag pa ni Trillanes, maging ang kaniyang pamilya ay nakahanda na rin sa sakaling bumalik siya sa bilangguan.

Magugunitang nakulong na nuon si Trillanes bunsod ng kudeta laban sa administrasyon ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img