Travel ban sa Canada ng mga gov’t officials binawi na ng Palasyo

0
55

Inalis na nag pamahalaan ang ipinatupad na travel ban sa Canada sa mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, ipinadala na niya sa Malacañang records office ang direktiba para alisin na ang travel ban.

Magugunitang nag-ugat ang pagbabawal ng mga opisyal ng gobyerno na bumyahe sa Canada kahit pa official business ito dahil sa pagmamatigas ng Canadian government na hakutin ang kanilang basura na itinapon sa bansa.