PNP naka-alerto sa pagdaraos ng Eid’l Fitr

0
53

Naka-alerto ang Philippine National Oolice (PNP) upang magpatupad ng mahigpit na seguridad ngayong pagdaraos ng Eid’l Fitr

Ayon kay PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde, nais nilang matiyak na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng mga Muslim sa pagtatapos ng ramadan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Albayalde ang monitoring ng mga pulis lalo na sa mga mosque at lugar kung saan magsasagawa ng pagdadasal ang mga ito.

Hinimok din naman ni Albayalde ang publiko na maging alerto at mapagmatyag sa kapaligiran.

Sa oras aniya na may mapansin na kahina-hinalang bagay o indibidwal ay agad ipagbigay alam sa mga otoridad.