Traslacion ng itim na Nazareno puspusan na ang paghahanda ng mga otoridad

0
15

Puspusan na ang paghahanda ng mga otoridad para sa tradisyunal na pahalik sa poong itim na Nazareno.

Ito ay matapos na magsimulang mag-lagay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga orange barriers sa Quirino Grandstand upang mapanatiling maayos ang pila ng mga debotong magtutungo para sa pahalik.

Kaugnay nito, nagsimula na rin naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) na suriin ang paligid ng Quirino Grandstand kung saan ginaganap ang tradisyunal na pahalik.

Sa Miyerkules, Enero 8 aarangkada ang tradisyunal na pahalik sa poong itim na Nazareno kung saan inaasahang dumagsa ang mga deboto ng milagrosong poon.

Milyun-milyong deboto ang inaasahang makikilahok sa taunang traslacion ng itim na Nazareno sa Huwebes, Enero 9.