P5.7M halaga ng shabu nasabat sa Cebu City

    0
    10

    Aabot sa P5.7M na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang high-value target sa Cebu City.

    Batay sa inisyal na report, nasa 850 gramo ng shabu ang narekober mula sa hindi pa kinikilalang suspect na sinasabing miyembro umano ng malaking drug syndicate sa Central Visayas.

    Gayunman, aminado naman ang suspect na kaniya ang mga narekober na droga.

    Sa ngayon, mahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.