Trapiko sa paligid ng mga malls siguraduhing maayos ang daloy — MMDA

0
24

Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga may-ari ng mall sa EDSA na siguruhing maayos ang daloy ng trapiko sa paligid ng mga ito.

Pakiusap ni MMDA EDSA Traffic Chief Col. Bong Nebrija, magdagdag ng mga security personnels para maging mabilis ang daloy ng mga sasakyang papasok at lalabas sa mga malls.

Aniya, kung ano man ang nagiging problema ng daloy ng trapiko sa loob ng mga mall ay magiging problema rin sa EDSA.

Magugunitang iminungkahi na ng ahensya pag aadjust ng mall hours ngayong holiday season para mapagaan ang daloy ng trapiko sa naturang daanan.