Dating CJ Bersamin nakakatanggap ng mga death threats

0
20

Kinumpirma ng Korte Suprema na nakatatanggap nga ng mga death threats ang dating punong mahistrado na si CJ Bersamin.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Brian Keith Hosaka, nananatiling kalmado si Bersamin sa kabila at tila ay alam na nito kung paano hawakan ang mga ganitong pangyayari.

Magugunitang inihayag ni Bersamin na nakita ng kanyang mga bodyguards ang dalawang motorsiklo na sumusunod umano sa kanila.

Bago pa ito ay nagpa blotter na rin ang punong mahistrado sa Quezon City Police dahil sa mga natatanggap na pagtatangka sa kaniyang buhay.