Thursday, May 2, 2024

Transmission study project ng PCHRD, RITM umarangkada na

- Advertisement -

Umarangkada na ang transmission study project ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para matukoy kung paano naipapasa at kumakalat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ipinabatid ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña na nakatanggap ng halos P5-milyong budget ang nasabing proyekto.

Sinabi ni Dela Peña na ang makukuhang datos mula sa pag-aaral ang pagbabasehan sa pagbuo ng mga bagong panuntunan para sa isolation, contact tracing at disease and prevention control ng mga kaso ng sakit.

Ibabahagi aniya ang mga nasabing datos at impormasyon sa Department of Health (DOH) para makatulong sa mga gagawin nitong polisiya at istratehiya laban sa pagkalat ng nasabing sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img