Trabahador nadisgrasya sa ginagawang Rizal Memorial Stadium para sa SEA Games 2019

0
16

Sugatan ang isang construction worker habang nagtatrabaho sa kinukumpuning Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Isa ang Rizal Memorial Stadium sa mga gagamiting sports venue para sa ika-30 Southeast Asian (SEA) Games.

Nahulog mula sa scaffolding ang biktima na kinilalang si Richard Delos Santos, 46-taong gulong, sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan, umaga ng Lunes, November 25.

Inilabas ng Manila Police District (MPD) ang ulat sa media, ngayong araw ng Martes.

Nagtamo ng leg injury si Delos Santos na agad namang isinugod sa ospital.

Samantala, nangyari ang aksidente limang oras bago magsimula ang men’s football game.  — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)