Wednesday, May 1, 2024

Luzon grid isinailalim sa yellow alert —NGCP

- Advertisement -

Muling isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon grid.

Ayon sa NGCP, ito ay bunsod ng manipis na reserba ng kuryente sa buong luzon.

Nagbigay naman ng abiso ang Meralco na asahan itong magsisimula ng alas-9 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi ngayong araw ng Martes.

Pinayuhan naman ng Meralco ang mga korporasyon at estabilisyimento na kasapi ng kanila Interruptible Load Program (ILP) na ihanda ang kanilang mga generator sets kung sakaling ito ay kakailanganin.

Samantala, hindi naman inaasahang magkakaroon ng rotational power interruption maliban na lamang kung may iba pang planta ng kuryente ang papalya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img