Monday, May 6, 2024

Toyota Rush Bumangga Sa Waiting Shed Ng Mambulo Nuevo, Libmanan; 2 Patay!

- Advertisement -

Dalawa ang naiulat na nasawi sa pagbangga ng isang Toyota Rush na may conduction sticker na P1Z380 sa waiting shed ng Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur, alas-5 ng umaga kanina, Enero 4, 2021.

Ayon sa ulat, galing umano sa Maynila ang sasakyan na minamaneho ng isang menor-de edad na si Jonar Magundo y Ampuan, 17, isang estudyante, sakay nito sa passenger seat si Bura Padua y Salam, 23 anyos, isa ring estudyante kasama sina Xomers Ampuan, 28 anyos at ang anak nitong si Alhay Ampuan, dalawang (2) taong gulang na mga pawang taga Iligan City.

Patay ang mag-inang Xomers at Alhay Ampuan samantalang nasa ospital naman sina Jonar at Bura na pawang mga sugatan dulot ng pagbangga ng kanilang sasakyan sa konkretong waiting shed ng nasambit na lugar.

Hindi pa malinaw sa mga awtoridad kung bakit menor de edad ang nagmamaneho ng sasakyan. (Photo courtesy of Libmanan Municipal Police Station)

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img