Totoong bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa prayoridad ng pamahalaan

0
17

Nasa 17% hanggang 18% lamang ng mga isinailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ang nagpositibo sa virus.

Ayon kay Inter Agency Task Force (IATF) Spokesman at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, prayoridad ngayon ng pamahalaan na matukoy ang totoong bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, dapat kasing mabigyang ng agarang atensyong medikal ang mga nahawa na ng sakit upang hindi na ito kumalat pa.

Sa ngayon, inaasahan nang tumaas pa ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa dahil sa pag-arangkada ng mass testing.