Monday, May 13, 2024

Delay sa implementasyon ng national ID system pinaiimbestigahan

- Advertisement -

Pinaiimbestigahan na sa senado ang delay na implementasyon ng national ID system sa bansa.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, malaking tulong sana kasi ang national ID system sa pamamahagi ng ayuda at iba pang tulong para sa mga Pilipino lalo na’t ngayong nahaharap ang bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

Aniya, mahigit dalawang taon na nang maipasa ang national ID system ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin na uumpishan ang implementasyon nito.

Una rito, sinabi ni Pang. Rodrigo Duterte na kung naipatupad lamang ang implementasyon ng national ID system ay posible sanang maiwasan ang problema sa pamamahagi ng ayuda gaya na lamang ng mga hindi tugma-tugmang impormasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -