Total coronavirus recoveries sa bansa pumalo na sa 157,403 —DOH

0
20

Nadagdagan ng 22,319 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas sa nakalipas na 24 na oras.

Bunga nito, ayon sa DOH, sumirit na sa 157,403 ang total recoveries.

Nakapagtala naman ang ahensya ng 4,284 na bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus dahilan upang umakyat na sa 217,396 ang COVID-19 cases sa bansa.

Samantala, pumalo na sa 3,520 ang death toll sa bansa kasunod ng pagkamatay ng mahigit isang daang pasyente.