Tanging ang mga health authorities lamang ang pinapayagang magkaroon ng access sa listahan ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Ginawa ng Department of Health (DOH) ang paglilinaw matapos lumabas sa social media ang mga pekeng pangalan ng mga umano’y tinamaan ng coronavirus.
Giit ng DOH, batay sa Data Privacy Act of 2012, maaaring mapatawan ng hanggang tatlong taon o multa na hindi hihigit sa isang milyong piso ang sinumang lalabag dito.
Sinasabing may nilagdaan ding joint memorandum circular ang DOH at National Privacy Commission na nagsasaad na tanging ang mga healthcare providers at iba pang DOH partner agencies o authorized personnel ang puwedeng makialam sa health information ng mga nagpositibo sa COVID-19.