Tondo, Maynila isasailalim na rin sa 2-araw na hard lockdown

0
13

Isasailalim na rin sa dalawang araw na hard lockdown ang Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, posibleng sa May 2 at May 3 o May 3 at May 4 nila ipatupad ang hard lockdown dahil sa dumarami na ring kaso roon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ngayon anya ay tinatapos na nila ang pamamahagi ng cash aid sa mga residente ng Tondo bilang bahagi ng paghahanda sa hard lockdown.

Ngayong araw na ito rin anya ay sisimulan na ang distribusyon ng iba pang ayuda tulad ng pagkain sa tinatayang 100,000 pamilya sa Tondo.

Sinabi ni Moreno na nakipag-usap na rin sya sa mga industriya sa pantalan upang tiyaking hindi maapektuhan ng hard lockdown ang kanilang operasyon at manatiling bukas para sa mga cargo ang Roxas Blvd at R-10 Road.