Ruby Princess cruise ship sa Australia pauwi na sa bansa

0
19

Pauwi na sa bansa ang Ruby Princess Cruise Ship na matagal ring nakadaong sa Australia.

Ayon kay Commodore Armand Balilo, spokesman ng Philippine Coast Guard (PCG), lahat ng sakay ng cruise ship ay isasalang sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.

Dadalhin anya sa pagamutan ang mga positibo samantalang ang mga magne-negative ay ilalagay sa 14-day quarantine.

Katuwang anya nila ang Department of Foreign Affairs (DFA), Bureau of Quarantine, Philippine Ports Authority at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pag-asikaso sa mga sakay ng Ruby Princess sa sandaling dumating ito sa bansa.