32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Tinapyas na pondo sa DepEd na para sa classroom repairs kinuwestyon

- Advertisement -

Kinuwestyon ni Senador Bam Aquino ang halos 90 porsyentong tapyas sa pondo ng Department of Education (DEpEd) para sa pagpapagawa ng mga silid-aralan.

Ayon kay Aquino, maitururing na isang napakalaking kapabayan ang mahigit 100 billion pesos na tinapyas sa 116 billion pesos na pondo para sa konstruksyon ng mga classrooms.

Iginiit ni Aquino, prayoridad dapat ng pamahalaan ang edukasyon ng mga bata.

Aniya, sasapat lamang sa pagpapagawa ng apat na libong (4,000) silid-aralan ang inilaang 10.2 billion pesos na pondo ng Department of Budget and Management (DBM).

Ipinanukala naman ni Aquino na dagdagan ang pondo para magkasiya sa pagpapatayo ng 10,000 silid-aralan sa 2019 at maiwasan na ang pagsisiksikan ng mga estudyante.

Bukod pa aniya rito, kinakailangan din ng DepEd ng karagdagang isang bilyong pondo para sa pagpapaayos ng mga silid-aralan na sinira ng bagyong Ompong.

(Ulat ni Cely Bueno)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -