28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Bilang ng nahukay sa landslide sa Itogon sumampa na sa 22

- Advertisement -

Sumampa na sa dalawampu’t dalawa (22) ang narekober na bangkay ng mga rescuers sa landslide dahil sa bagyong Ompong sa Itogon Benguet.

Kasunod ito ng pagkaka-retrieve sa tatlong bangkay sa ika-apat na araw ng search rescue and retrieval operations matapos ang landslide.

Isa sa mga nakuhang bangkay kahapon ay kinilala na rin ng kanyang mga kaanak na si Johnny Huclap.

Batay sa ulat, hindi pa rin makagamit ng mga malalaking traktora ang mga rescuers dahil hirap pa rin itong mahanapan ng maganda puwesto bunsod na rin ng malabot na lupa.

Gayunman dumating na sa site ang mga idineploy na K-9 units na tutulong sa paghahanap sa mga natabunang biktima.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -