Saturday, May 4, 2024

Tigil putukan sa pagitan ng US, Afghan forces, kasado na sa loob ng isang linggo

- Advertisement -

Epektibo na ngayong araw ang pansamantalang tigil putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Afghan forces.

Tatagal ang naturang truce sa pagitan ng dalawang puwersa sa loob ng isang linggo.

Batay sa mga ulat, ang desisyon na ito ay kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na naglalayong bigyang solusyon ang giyera sa pagitan ng Estados Unidos at Afghan forces na tumatagal na ng labing walong taon.

Ayon kay U.S. Sec. of State Mike Pompeo, kung magiging matagumpay ang implementasyon nito ay posible nang bawiin ng Amerika ang kanilang mga sundalong ipinadala sa Afghanistan.

Gayunman, binigyang diin naman ng taliban sa isang pahayag na susunod sila sa napagkasunduaan usapang pang-kapayapaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img