Testing capacity ng bansa para sa COVID-19 aabot na ng 10-K oras na magbukas ang laboratoryo sa Pampanga

0
22

Aabot sa 10,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests kada araw ang kayang isagawa sa bansa sa oras na mag umpisa na ang operasyon ng laboratoryo sa Pampanga.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa oras na maging operational na ang testing facility sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando, Pampanga ay kaya nitong magsagawa ng 3,000 pagsusuri kada araw.

Sinabi ni Vergeire, sa ngayon kasi ay nasa 6,500 kada araw ang testing capacity sa bansa kaya’t nangangahulugan lamang ito na maari nang makapagsagawa ang Pilipinas ng 9,500 pagsusuri kada araw.

Sa ngayon, nasa 19 na accredited facilities na ang nagsasagawa ng COVID-19 tests sa bansa.