CHR: Otoridad hindi dapat gumamit ng dahas para magpatupad ng batas

0
17

Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) laban sa mga pang-aabuso ng mga otoridad sa mga lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, dapat na alalahanin ng mga otoridad na hindi kailanganing gumamit ng dahas para lamang maipatupad ang batas.

Ito ang naging reaksyon ni De Guia matapos ang insidente kung saan pinalo ng baranagay officers ang isang tindero ng isda na lumabag sa quarantine protocols.

Sinabi ni De Guia, dapat na isaisip ng mga otoridad na mayroong Anti-Torture act sa Pilipinas kung saan malinaw na nakasaad na kung sakali man gagamit ng puwersa ang mga otoridad ay kinakailangang resonable at proportional ito.